GROUP INFO

Name: Proudly Pinoy
Policy: Public
Members: 634
Administrator: Oliver
Country: Philippines

Founded On:
March 28, 2006
 
 

Ano ba ang batayan...

Proudly Pinoy > Forum

0
Updated by Agham at 06/13/2008 09:32

27 Comments
Page 1 of 1



Display mode:

Vote Down!

9/14/2006 8:34 AM
Agham, 88
Sta. Rosa City
Philippines

Ano ba talaga ang batayan upang tawagin kang isang tunay na makabayan? Ang batayan lang ba ay ang pagmamahal mo sa ating sariling wika? Ang batayan lang ba ay ang pagbibigay galang mo sa ating bandila? O ang batayan ba nito ay ang pagmamahal mo sa ating Inang Bayan? Paano nga ba natin masasabi na mahal natin ang ating bayan? Ano sa palagay nyo mga kababayan?

Reply | Block User
Re: Ano ba ang batayan...
9/19/2006 1:20 PM
mai, 25
Manila
Philippines

ang lalim.. para sakin ang tangaping isang kang pinoy at ang maging galak na ika'y pinoy!umm...batayan ding ang pagmahal sa ating inang bayan!

wag manakit ng kapwa, igalang ang ating kapwa at WAG BABOYIN ANG ATING BANSA! poooootek!

maging mapagkumbaba pero wag MAGING SLAVE!!!!! pwede mag english? hehehe

nice topic agham..

>;)

Reply | Block User
Re: Re: Ano ba ang batayan...
9/20/2006 3:46 AM
Agham, 88
Sta. Rosa City
Philippines

Paano nga ba natin mapipigil ang ibang mga Pilipino na wag babuyin ang ating bansa kung ang ilan sa mga namumuno sa tin ay unang gumagawa nito? Kagaya na lang ng pulitikal na kalagayan ng bansa? Di ba sila babuyan nang babuyan. Nagiging parang laban ng boksing na pinanonood ng mga tao. sino ba ang magwawagi at sino ba ang matutumba sa lona? Minsan nagbibigay naman sila ng kasiyahan sa atin dahil minsan nagmimistulang mga payaso sila sa isang karnabal.
Tama magpakukumbaba subalit wag paalipin. Kung mayron lang ang marami nyan sa Pilipino, palagay ko ay mas maganda ang takbo ng ating bansa. Ang lahat kasi gusto ng kapangyarihan at pera. Di magpapatalo dahil karamihan ay may personal na layunin.

Reply | Block User
Re: Re: Re: Ano ba ang batayan...
9/25/2006 3:39 PM
mai, 25
Manila
Philippines

awmen! lalim...

ei if i may ask, are you a member or part of any association who are questioning "what the f*ck is going on with out freakin country?!we shouldnt let them pissed us off! lets piss them off!!!"?

dami narin nag karon ng article concerning your topic, they are good to read but too damn hard to apply in real life! ummmmmmmm should i say everything are just a piece of sh*t hope.

for some kinda of perky like us, KUDOS! hehehe


awmen

Reply | Block User
Re: Ano ba ang batayan...
9/26/2006 5:21 AM
Agham, 88
Sta. Rosa City
Philippines

HIndi ako kaanib ng anumang samahan dito sa Pilipinas. pulitikal man o hindi na bumabatikos sa ating kasalukuyang pamahalaan. Kagaya mo, isa rin akong ordinaryong mamamayan na umaasa balang araw na babangon din ang Pilipinas. Habang may buhay may pag-asa kaibigan. sabi nga ang pagbabago ay kailangang umpisahan natin sa ating mga sarili. Tayo ba ay sumusunod sa simpleng mga batas? Tayo ba ay malinis sa ating kapaligiran? Isa ka ba sa naghahagis ng upos ng sigarilyo sa kalye? Umiihi ka ba kung saan saan? Tayo nga ba ay may disiplina?
Ang Pilipino sa kabuuan sa palagay ko naman ay kayang disiplinahin. May katigasan ang mga ulo pero kayang disiplinahin kung may ngipin ang didisiplina. Nakita mo ang ginawa sa Marikina, sa Palawan at sa Davao? Mahirap sa umpisa dahil babanggain mo ang tigas ng ulo ng mga Pinoy. Subalit sa katagalan maiintindihan nila ang layuning maging disiplinado ang mamamayan ay sa ikabubuti ng lahat.
Ako? sa abot ng aking makakaya ay pinipilit kong maging disiplinado.

Reply | Block User
Re:
5/16/2008 3:04 PM
eunice*im go, 87
inthelapofmybabyvirginiausa
Philippines

ang lahat ng sinabi mo ay pawang mga simbolo ng pagmamahal. pero sana makita natin na hindi natin kailangan sa ngayon ang mga simbolo lang kundi ang sama samang pagkilos at pag papakita ng pagmamahal, aanhin mo ang pakitang paggalang sa bandila kung ang ating bandila ay lukob ng dayong bandila...kung ang wika mo ay busabos ng ibang wika..kung ang kapwa mo ay nagpapaalipin sa dayuhan upang mabuhay....pagmamahal nga ba ang pagkanta ng pambansang awit, pagdadala ng dolyar...mahirap sagutin, mahirap ipakita, pero ang pagmamahal ay walang hinihinging kapalit para sa isang tao lamang, ang pagmamahal sa bayan ay ang pagmamahal sa nakakrami at pagbibigay sa taumbabyan.

Reply | Block User
Re: Ano ba ang batayan...
9/15/2006 5:05 PM
Michael, 20
Kaarst
Germany

Ipakita mo ang iyong pagmamahal sa bayan,bandila,mga tao at sa lahat na Pilipino sa isip,salita at sa gawa

Reply | Block User
Re: Re: Ano ba ang batayan...
9/16/2006 3:33 AM
Agham, 88
Sta. Rosa City
Philippines

Sa paanong paraan natin maaring ipakita ang pagmamahal natin sa ating bayan,bandila at sa mga Pilipino sa isip salita at sa gawa? meron ka bang maibabahagi na halimbawa?

Reply | Block User
Re: Re: Re: Ano ba ang batayan...
9/16/2006 12:06 PM
Michael, 20
Kaarst
Germany

Palaging kantahing ng boung puso and Lupanh Hinirang,galangin and ating watawat. Huwag laitin ang ating bansa dahil sa mga problema doon... Huwag mahiyang sabihin na ikay ay Pilipino at mahal mo ang bayan mo...
Gawing mo ang nakakaya mo upang suportahan ang ating bayan.
Halimbawa lang,ako ay nasa partido dito para matuto sa politika,sinusubukan ko ring humanap ng mga taong makabayan na gugustuhing gumawa nang partido diyan para sa bayan.

Reply | Block User
: Re: Ano ba ang batayan...
9/18/2006 3:23 AM
Agham, 88
Sta. Rosa City
Philippines

Napakagandang mga halimbawa ang iyong mga tinuran katotong Michael. Kahit sa mga payak at maliliit na mga bagay ay pwede nating ipakita ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa ating bayan. Sa iyong palagay, may pag-asa pa ba na maging maayos ang kasalukuyang kalagayan ng pulitika dito sa Pilipinas? Ano ang iyong mga kuro kuro hingil dito?

Reply | Block User
Re: : Re: Ano ba ang batayan...
10/4/2006 4:21 PM
Michael, 20
Kaarst
Germany

Sa tingin ko walang babago sa susunod na mga taon sa Pilipinas.Ang karamihan ng ating mga politiko ay makorakot at ang tanging ginagawa nila ay payamanin ang sarili imbes na ipa-anlod ang inang-bayan.
Binabalak kong bumalik sa Pilipinas sa hustong gulang at maging politiko,gumawa ng isang partidong maka-bayan sa puso at diwa.
Sa palagay ko,ang sistemang bekokratiko ay hindi pa bagay sa Pilipinas dahil ito ay punong-puno ng napakaraming demonyong politiko ang tawag sa sarili.Kainlangan nating bumalik sa sistemang tradisyonalista na may mga royalista.

Reply | Block User
Re: Re: Ano ba ang batayan...
9/19/2006 1:20 PM
mai, 25
Manila
Philippines

yea..manunpa sa watawat!

Reply | Block User
Re: Ano ba ang batayan...
9/20/2006 3:50 AM
Agham, 88
Sta. Rosa City
Philippines

Alam mo pa ang manunumpa sa watawat ng walang kodigong hawak? Marami na sa atin kahit sa mga mag-aaral pa lang ang di kayang bigkasin ang manunumpa sa watawat ng walang mali. Nawa'y wag panghinawaan ang mga natitirang pang makabayan na mahalin ang ating bayan.

Reply | Block User
Re: Re: Ano ba ang batayan...
9/25/2006 3:45 PM
mai, 25
Manila
Philippines

ouch!!! tagos!

i admit, di ko kabisado at di ko alam simula ng panunumpa sa watawat! my bad. dont get me wrong, dito ako lumaki dito ako nag aral alam ko kultura natin, pero di ko kabisado ang mga yan.mali siguro na sabihing, "i dunno coz i dont care!" pero ganun eh! parang nakaka walang gana kasi ang maging bahagi na ng bansang ito, puro kahihiyan nalang.subalit, pinoy ako at kahit papano ipinag mamalaki ko sariling pamamaraan ng pag giging pinoy ko! lavoooh!

basta wala akong inaapakan at sinasaktang kapwa ko, pinoy ako!

awmen!

Reply | Block User
Re: Ano ba ang batayan...
9/26/2006 5:32 AM
Agham, 88
Sta. Rosa City
Philippines

Mali nga kaibigang Mai na sabihin nating wala tayong pakialam dahil bansa natin ito. Ika nga e kung sila ay puro kahihiyan ang idinudulot sa ting bayan, wag tayo maging kagaya nila. Ang malaki ay nagsisimula sa isang tuldok lang. Kung gatuldok lang ang mga mamamayan na nagbibigay karangalan sa bayan, ako'y naniniwala na ito ay lalaki rin. Mangamba tayo kung wala ng taong ganito dahil patuloy na babagsak ang bayang ito.

Reply | Block User
Re: Ano ba ang batayan...
9/16/2006 11:35 PM
aileen, 25
Manila
Philippines

batayan ba ka mo?

di nman sa mga batayan ba ginawa maipapakita ang pgiging makabayan. lagi lamang isasaisip . . . PINOY AKO.
san mang bayan ka makarating sa mundo lagi mo lamang pkatandaan ang pagpapahalaga sa mga bagay na iyong natutunang kultura at kaugalian ng pagiging PINOY!

Reply | Block User
Re: Re: Ano ba ang batayan...
9/18/2006 3:17 AM
Agham, 88
Sta. Rosa City
Philippines

Siguro'y mas mainam na isaisip at isa puso at isagawa. Madali nating sabihin na lagi naman natin nasa isip ang kaugalian at kulturang pinoy subalit ito ba'y nasa puso natin? Ito ba kahit papano'y isinasagawa natin? Tama si katotong Michael sa mga naturan nya sa mga ilang bagay na dapat gawin upang bigyang halaga ang pagmamahal sa ating lupang Sinilangan.

Reply | Block User
Re: Ano ba ang batayan...
9/29/2006 7:22 PM
NoodleAddict, 25Royal Zorpian Verified Zorpian
Manila
Philippines

for me how we treat our fellow filipinos and how we see ourselves as filipinos.

yng iba pag sinabi na pinay na nagtrabaho sa japan for example e mababa na tingin nila sa tao or yung iba na nakakaangat kaysa iba,instead na kapwa filipino ang tumulong sayo, they are even the ones who will pull u down. this is very true in abroad, relationships bet filipinos sometimes sa ibang bansa

sorry for nt typing pure tagalog.its 3:25am here and im so sleepy *yawns*

Reply | Block User
Re: Re: Ano ba ang batayan...
10/2/2006 6:28 AM
Agham, 88
Sta. Rosa City
Philippines

Respeto sa kapwa Pilipino na marunong din rumispeto ng kapwa nya Pilipino. Kahit nasan naman tayo may mga Pilipino na di mawala ang panibugho sa kapwa lalo na kung ang kapwa nya ay umaangat sa buhay. Mapa Pilipinas man o ibang bansa mayroong ganyan at marami pa din naman ang di ganyan ang ugali. Marami pa din namang mga PIlipino na nagtutulungan at handang tumulong at damayan ang kapwa nya.
Himayin mo nga kaibigan ang ibig mong sabihin sa iyong naturan na "how we see ourselves as filipinos" Ano ba ang ibig mong ipahiwatig sa katagang ito?

Reply | Block User
Re: Re: Ano ba ang batayan...
10/6/2006 1:16 AM
Oliver, 1002Verified Zorpian
Philippines

you're always sleepy... :P

Reply | Block User
Re: Re: Ano ba ang batayan...
5/16/2008 4:51 AM
edjie, 27
Philippines

I agreed .... Sometimes our own fellows are the one who pulling you down. But still theres always filipinos acting so mayabang when they are out of the country. They not even say they are PInoy's Or Pinay's or else they said.... migrant or american citizen (kung sang country na sila na ninirahan) even thou they are a pure blood filipino's.
I always observe this to the fact that i'm leaving abroad, minsan yong mga nakaka pag asawa na ng mga banyaga..... nawawala na unti unti yong essence ng pagiging filipino, mga kaugalian na pilit kinakalimutan at kapalit non ei nagiging parang kaugali na nila ang mga dayuhan na if napuna mo ei sasabihan ka ng "WHATS WRONG WERE N MODERN DAYS ANYWAY".
To be honest, evensince di ko alam ang pambansang awit or panunumpa sa watawat na yan..... but i guess " di nababatay ang mga sumpa or kanta " sa pagiging tunay na filipino kundi yong paano mo i trato yong mga kababayan mo at pag papakita ang mga kaugalian na we always proud of. I'm dont mean that we need to be an old fashion in every ways but insteads we should put always the good values & etiqutte.

Reply | Block User
Re: Ano ba ang batayan...
10/9/2006 6:22 AM
Eleany, 22
Cebu City
Philippines

Naitanong to na yan sa sarili ko noon pa man.
Aaminin ko, di ako bihasa sa wikang Tagalog, ngunit ito ba'y nagkakahulugan na hindi ako tapat na pilipino? Sa tingin ko hindi!
Ang batayan nang tunay na Pilipino ay wala sa kulay o wika.
Nasa pananalita ito at sa gawa. Sa pagsagot mo nang may respeto sa mga nakakatanda sa'yo.
Ang pagmamahal mo sa yong kapwa, ang pagtulong mo sa mga kapatid nating nangangailangan, ang pagsunod sa batas nang ating bansa. Yan ang ilang batayan sa iyong pagiging Pilipino, batayan nang iyong pagkatao.

Reply | Block User
Re: Ano ba ang batayan...
10/10/2006 1:29 AM
Agham, 88
Sta. Rosa City
Philippines

Tama lahat ang iyong naturan kaibigang Eleany. DI nakikita iyon sa kulay at wika. SAna nga katulad mo ang pananaw ng karamihan sa mga Pilipino. SAludo ako sa yo kaibigan.

Reply | Block User
Re: Re: Ano ba ang batayan...
10/10/2006 2:51 AM
Eleany, 22
Cebu City
Philippines

Maraming salamat agham. :)

Reply | Block User
Re: Ano ba ang batayan...
2/23/2008 2:51 PM
anjo, 20
Cavite City
Philippines

,, cguro kung pano mho mhalin nung sarilie mo blang pilipino..auUn lang!

Reply | Block User
Re: Ano ba ang batayan...
6/10/2008 7:00 PM
L J, 43Verified Zorpian
Los Angeles, California
United States

Kahit saan ka makarating ipagmalaki mo pilpino ka.

Reply | Block User
Re: Ano ba ang batayan...
6/13/2008 9:32 AM
joseph, 43
Pasay City
Philippines

...alam nyo mga kapatid, nabasa ko ang lahat ng mga tinuran nyo kung papaano iwasto ang kalidad nating mga PILIPINO, sa isang banda tama kayo lahat,pero kung iisipin ngayon nyo na lang lahat napagtanto ang mga bagay na yan...bakit?..kasi nung mga panahon na bata pa kayo,habang nasa elementarya ang atensyon ay nasa pag-aaral at paglalaro,nung nasa sekondarya na,pag-aaral pa rin at barkada na,pero nang tumuntong na sa kolehiyo at hanggang sa ngayon dun pa lamang nagka-ideya ang mga bawat-isa sa inyo na...ano nga ba ang pangunahing papel ng bawat isa sa atin bilang isang PILIPINO? at ano nga ba ang batayan upang maging isang MAKABAYAN? Sa aking palagay, Alam ko na alam ninyo na kaya ganon ang pagu-ugali ng mga mga kababayan natin dahil na rin sa nahaluan tayo ng lahing kastila, amerikano at hapon,bagama't hindi pa huli ang lahat, maaring sa pamamagitan ninyo, natin o tayong lahat na merong adhikain na mabago ang tradisyong kinamulatan,,,Hindi pa HULI ang lahat, sama-sama tayo na IBANGON, MAHALIN AT IPAGMALAKI NA TAYO AY PILIPINO...........

Reply | Block User

27 Comments
Page 1 of 1